Libo-libong trike at pedicab drivers, target ng ayuda mula sa Manila LGU
By Lorenz Francis Tanjoco - May 25, 2020 , 6:21 am

Namigay ng relief goods ang Manila Local Government Unit (LGU) sa mahigit 17,000 drivers ng mga sidecar at tricycle na pangunahing napinsala ang pamumuhay dahil sa COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang naturang pamamahagi ng tulong ay maliit na kaparaanan lamang ng Lungsod ng Maynila na asistehan ang mga residente nito dahil sa pinsala sa kabuhayan ng COVID-19.

Paliwanag ng alkalde, isa sa pinaka-unang biktima nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 ay ang sector ng transportasyon.

Ang naturang ayuda ay iba pa sa ipinamahaging P1000 ng lokal na pamahlaan sa bawat pamilya sa Lungsod ng Maynila.

YOU MIGHT ALSO LIKE