Mahigit 300 kilo ng iligal na karne, nasamsam ng Customs sa unang 8 buwan
By Hajji Kaamiño - September 15, 2021 , 1:38 pm

Iniulat ng Bureau of Customs-NAIA na umabot sa 363.75 kilograms ng meat products na walang permit o health certificate ang nasabat nito sa loob ng mahigit walong buwan.

Ayon sa BOC, ang mga nakumpiskang karne ay walang clearance mula sa Bureau of Animal Industry at nai-turn-over na sa Veterinary Quarantine Services.

Ngayong buwan ay napigilan din ang 39 kilograms ng illegal beef at 17.5 kilograms ng pork products dahil sa kawalan ng import documents.

Ipinunto ng ahensya na sa ilalim ng liderato ni District Collector Carmelita Talusan ay mahigpit na binabantayan ang agricultural at iba pang food items para matiyak na nasusunod ang lahat ng proseso.

Gayundin ang pag-garantiya sa kaligtasan ng consumers laban sa posibleng outbreak ng African Swine Fever.

Tanging importers na may clearance at permit mula sa regulatory agencies ang pinahihintulutan na magpasok ng produkto sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE
business
Growth target ng bansa, makakamit pa rin ngunit kailangan ng mas agresibong pagpapabakuna
October 15, 2021