Manila Water Business Areas, mananatiling sarado hanggang Sept. 30
By Michael Rogas - September 16, 2021 , 4:58 pm

Wala pa ring magaganap na ano mang transaksyon sa lahat ng mga opisina ng Manila Water, sa mga lugar na siniserbisyuhan nito. 

Ito ang anunsiyo ng kumpanya, matapos ilagay sa Alert Level 4 ang kalagayan ng quarantine status sa buong National Capital Region (NCR). 

Base sa abiso ng Manila Water, extended hanggang September 30 ang pagsasara ng lahat ng opisina nito, dahil sa patuloy na pagdami ng mga nahahawaan ng virus. 

Kabilang sa mga apektadong transaksyon ng Manila Water ay ang pamamahagi ng water bill, pagbabayad at aplikasyon ng mga bagong customer. 

Ngunit naglaan naman ng hotlines ang kumpanya para sa mga emergency service, habang bukas din ang lahat ng kanilang mga social media operator.

YOU MIGHT ALSO LIKE
business
Growth target ng bansa, makakamit pa rin ngunit kailangan ng mas agresibong pagpapabakuna
October 15, 2021