!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Marikina City, nakaalerto laban sa mga ipinapasok na baboy
By Rey Ferrer - August 22, 2019 , 10:21 am

Biente kuwatro oras na ring minomonitor ng mga veterinary official ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga ipinapasok na baboy sa lungsod.

Layon nito, na walang maipuslit na karneng baboy na apektado ng sakit mula sa kalapit na bayan ng Rodriguez sa Rizal, na nakitaan ng pagkamatay ng mga alagang hayop.

Wala din dapat ikabahala ang city government, dahil wala nang residente ang nag-aalaga ng baboy sa kanilang bakuran dahil matagal nang ipinagbabawal ito.

Nagpulong na rin si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro at Agriculture Secretary William Dar, para magtulungan sa pagmonitor sa movement ng mga baboy na ipinapasok at inilalabas sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE