Mas mabigat na parusa para sa nagho-hoard ng bigas at nagpapanipula ng presyo nito, itinutulak sa Kamara
By Kathleen Forbes - November 24, 2021 , 4:23 pm

Itinutulak na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa “hoarding, profiteering, cartel at price manipulation” sa mga produktong bigas sa ating bansa.

Batay sa ilalim ng House Bill 10514 o “Rice Security and Stability Act,” na inihain ni House Committee on Appropriations chair Eric Yap, ang mga mapapatunayang nagkasala ay papatawan ng P5 million na multa at pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang 12 taon, at madodoble ang parusa sa 2nd offense.

Ang mga makukumpiskang produktong bigas naman, ay ipinapanukalang ipamahagi bilang “relief” sa mga nangangailangan gaya ng mga apektado ng kalamidad, giyera at kahalintulad na pangyayari.

Maaari din aniya itong ibenta sa pamamagitan ng mga accredited na palengke, at ang kita ay ilalaan sa mga programa para sa mga lokal na magsasaka.

YOU MIGHT ALSO LIKE