Mga bakunadong tourism workers, nasa 75% na
By Alvin Baltazar - November 23, 2021 , 9:53 am

Kasabay ng unti-unti ng pagbubukas ng turismo sa iba’t ibang panig ng bansa ay tiniyak naman ng Tourism department na mayorya ng mga tourism workers ay pawang mga bakunado na.

Sa Laging Handa Public briefing ay inihayag ni Tourism Secretary Berna Romulo- Puyat na sa ngayon ay nasa 75 porsiyento na ng mga manggagawang nasa linya ng turismo ay bakunado na.

Pagtiyak ni Puyat, tataas pa ito hanggang sa makamit nila ang 100 percent lalo na’t may ginawa naman silang pakikipag-ugnayan kina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at testing czar Vince Dizon.

Pursigido ani Puyat silang maabot ang 100 porsiyentong vaccination rate sa kanilang hanay para sa inaasahang mas marami pang magbubukas na mga tourist destination.

Dagdag ng Kalihim na marami na rin sa mga local destination  ang hindi na humihingi ng negative RT-PCR at pagpapakita lang ng vaxcert ay sapat na.

YOU MIGHT ALSO LIKE