Mga manggagawa na apektado ng bawas-sweldo, dapat mabigyan din ng subsidiya
By Kathleen Jean Forbes - July 3, 2020 , 4:39 pm

Nanawagan si Marikina Representative Stella Quimbo sa National Economic and Development Authority (NEDA) na tulungan din ang mga manggagawa na apektado ng pagbabawas sa sweldo dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung matatandaan, naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng labor advisory para sa employment preservation o pagpapanatili sa mga negosyo at trabaho sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “adjustment” sa sahod at benepisyo ng mga empleyado basta’t mag-consent ang empleyado.

Giit ni Quimbo,  dapat ay “last policy resort” ng gobyerno ang pagbabawas sa sweldo.

Sinabi naman ni NEDA Acting Secretary Karl Kendrick Chua na kailangan ngayon ang temporary wage reduction para mapanatili ang mga trabaho.

Hiling na lamang ng mambabatas na hanapan ng pamahalaan ng paraan na masuportahan ang sahod ng mga empleyado tulad ng subsidiya, dahil malaki na ang naging epekto ng wage reduction sa poverty rate ng bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE