Mga pagdinig sa umano’y korapsyon sa PhilHealth, balewala kung di magkakaroon ng permanent reforms 
By Angela Peñalosa - August 5, 2020 , 2:40 pm

Umaasa si Iloilo 1st District Representative Janette Garin na magkakaroon ng permanent reforms sa PhilHealth para matuldukan na ang malawakang korapsyon sa loob ng ahensya.

Sinabi ni Garin na balewala lamang ang mga isinasagawang pagdinig kung hindi matutugunan ang isyu na kinakaharap ng PhilHealth.

Aniya, paulit-ulit lang na bumabalik ang mafia at fraud sa PhilHealth kahit pa magpalit ng bagong appointee dahil na-master na aniya ang ‘art of fraud’ sa ahensya.

Samantala, naniniwala rin si Garin na hindi lang sa case rate policy nagsimula ang problema ng PhilHealth dahil nag-ugat din aniya ang fraud sa listahan ng mga miyembro ng ahensya at remittances ng PhilHealth premium.

YOU MIGHT ALSO LIKE