!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga provincial gov’t, tutulong sa pagbili ng palay sa local farmers – DA
By Rey Ferrer - October 20, 2019 , 10:56 am

Dalawamput tatlong provincial local government units (PLGUs) ang nangako na ng suporta sa mga rice farmer na apektado ng mababang presyo ng palay.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nag “commit “ng ₱4.95 billion ang PLGUs para sa processing at marketing ng palay na direktang bibilhin sa mga farmer.

Aniya, may nauna nang 13 PLGUs mula sa top rice-producing provinces sa bansa, kabilang ang Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cagayan, and Bataan, ang maglalaan ng pondo para sa palay procurement at assistance program.

Nakiisa na rin dito ang PLGUs ng Kalinga, Mountain Province, Marinduque, Iloilo, Capiz, Bohol, Biliran, Zamboanga Sibugay, Sarangani at Agusan del Norte, matapos makipagpulong sa kanila ang rice task force kamakailan.

Sa pamamagitan aniya ng pakikipag-ugnayan sa mga provincial governor may katiyakan nang maibenta ang produkto ng mga farmer sa patas at mapagkumpetensiyang presyo.

Sinabi pa ni Dar, karamihan sa PLGUs ay nasa preliminary process na para makautang sa Land Bank of the Philippines.

Sa ilalim ng Palay sa Lalawigan Program, ang LBP ay magbibigay ng easy access loans sa mga interested local government unit para sa direct engagement sa rice industry value chain.

YOU MIGHT ALSO LIKE