Nasa 12 establisyemento, nabigyan na ng Notice of Violation ng DTI dahil sa overpricing ng N95
By Racquel Bayan - January 15, 2020 , 3:59 pm

Nasa 12 mula sa 17 establisyementong ininspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nahainan na nila ng Notice of Violation dahil sa profiteering o pagbi-benta ng N95 face mask sa presyong mas mataas sa suggested retail price (SRP).

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang penalty sa paglabag na ito ay aabot ng P5,000 hanggang P2-milyong piso.

Sinabi ni Undersecretary Castelo na matapos ang pagbababa ng notices na ito, hinainan na rin nila ng pormal na reklamo ang mga ito at bahala na ang mga may-ari ng establisyemento na idipensa ang kanilang mga sarili.

Dagdag pa ni Usec Castelo, sa kanilang ginawang pag-iikot sa tindahan ng mga medical supplies sa Bambang kahapon, mayroon rin silang mga nakitaang nagbi-benta ng substandard o mababang kalidad na N95.

Bukod sa paglabag sa Consmuers Act, sa oras na mapatunayang ibini-benta nila ang mga produktong ito bilang medical device at hindi ito nakarehistro, maaari rin aniya silang sampahan ng kaso ng Food and Drug Administration (FDA).

YOU MIGHT ALSO LIKE