No disconnection policy ng Meralco, extended muli hanggang Sept. 7
By Merry Ann Bastasa - September 1, 2021 , 6:47 pm

Nagdesisyon ang Manila Electric Company (Meralco), na palawigin pa ang “no disconnection policy” nito ngayong extended rin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) period sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Lucena City.

Ito ay upang bigyan pa rin ng sapat na panahon ang mga customer na mabayaran ang kanilang unpaid bills.

Ayon sa Meralco, epektibo ang no diconnection policy hanggang sa September 7.

Mananatili namang bukas 24/7 ang online, voice at SMS channels nito, para ma-accommodate ang billing o payment concerns ng mga customer.

Habang bukas rin ang kanilang mga business center sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Lucena City, mula 7 AM hanggang 3 PM tuwing Lunes hanggang Biyernes, at hanggang 12 PM naman tuwing Sabado.

YOU MIGHT ALSO LIKE
business
Growth target ng bansa, makakamit pa rin ngunit kailangan ng mas agresibong pagpapabakuna
October 15, 2021