!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
“No garage, no building permit,” ipinatutupad na sa Marikina City
By Rey Ferrer - August 22, 2019 , 10:22 am

Hindi na pinapayagan ng Marikina City government na makapagtayo ng business establishment sa lungsod kung walang probisyon para sa isang parking space.

Sa umiiral na inaprubahang ordinansa ng city government na “No garage, no building permit” naging requirement na ang pagpapakita ng pruweba para sa isang sapat na garahe bago aprubahang maitayo ang isang istruktura, gusali man ito o isang bahay na lagpas sa 25-square meters ang land area.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, layunin ng ordinansa na tapusin na ang nakaugaliang paggamit bilang parking ang kalsada.

At magagamit na ito para maging alternatibong daan ng mga motorista para mabawasan ang problema ng trapik.

Kahapon, inispeksyon ng alkalde ang mga establisimyento para tiyaking natutupad ang ‘5 meters’ easement ng iba’t ibang negosyo sa itinakdang mga pangunahing kalsada sa Marikina City.

YOU MIGHT ALSO LIKE