‘One strike, one policy’ ipatutupad sa DA; Bagong DA spokesperson, pinangalanan
By Tess Ramirez - August 15, 2019 , 6:29 am

Binigyan ni bagong Agriculture Secretary Dr. William ng deadline na August 20, 2019 ang lahat ng Department of Agriculture officials para magsumite ng kani-kanilang reaksyon sa “new thinking” document ng Agri-department.

Ayon sa kalihim, ito ay naglalaman ng 15 agenda items na focus for 100 days na nais niyang ipatupad upang maramdaman agad ang transpormasyon sa agrikultura ng Pilipinas.

Bilang pinuno ng ahensya, kanya ring isasagawa ang “one strike policy’ na kahihinatnan aniya ng mga hindi makasusunod sa itinakdang deadline.

Sinabi nyang kapag hindi nagcomply o hindi nagsumite ng reaksyon, ibig sabihin ay ayaw makipagcooperate kaya ang ganoo’y nararapat maalis sa pwesto, at babala nya sa mga pasaway na opisyal: “humanda kayo”.

Samantala, kanya namang pinangalanan ang magiging bagong spokesman ng DA, sa katauhan ni Mr. Noel Reyes.

Si Reyes ay bihasa sa agricultural journalism profession, at naging empleyado at opisyal rin ng DA noong 1988 at taong 2010.

YOU MIGHT ALSO LIKE