!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pag-pull out ng MTRCB sa pelikulang “Abominable”, pinapurihan ng isang kongresista
By Kathleen Jean Forbes - October 21, 2019 , 7:51 am

Ikinatuwa ni PBA Partylist Rep. Koko Nograles ang naging hakbang ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas, na i-pull out sa mga sinehan ang Pixar animated film na “Abominable”.

Ayon kay Nograles, responsibilidad ng bawat Pilipino na ipreserba ang territorial integrity ng bansa.  Dagdag pa ng mambabatas, dahil sa naturang pelikula ay lumabas ang pagiging insenstive ng naturang movie company sa ilang mga isyu.

Una nang nanawagan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipatigil ang pagpapalabas sa naturang pelikula kung saan makikita ang isang mapa ng South China Sea na mayroong 9-dash line ng China.

Bukod sa Pilipinas, pinatigil din ang pagpapalabas ng pelikula ng bansang Vietnam at Malaysia na mga claimant countries din sa pinag-aagawang teritoryo.

YOU MIGHT ALSO LIKE