Pagbabalik ng PUVs, makakatulong sa pagbaba ng inflation rate ng bansa
By Kathleen Forbes - August 6, 2020 , 7:04 pm

Nais ni House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda na makapamasada na muli ang mga jeep at PUV upang makatulong sa pagpapababa ng inflation sa bansa.

Ayon kay Salceda, bagamat pasok pa rin sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 2.7% inflation rate ngayong Hulyo, 0.6 percentage points ng inflation ay mula sa transportation.

Bunsod aniya ito ng pagkakatigil sa trabaho ng karamihan sa transportation sector na nakapagpabagal naman sa paggalaw ng ekonomiya.

Sa pamamagitan aniya ng pagbabalik trabaho ng mga jeep at iba pang PUV drivers ay mababalanse ang transport supply sa mataas na demand na makakatulong para mapababa pa ang inflation.

Kung madadagdagan din aniya ang bilang ng mga bumabyaheng PUVs ay matitiyak ang social distancing kaakibat ng mahigpit na pagsunod sa mga ipinapatupad na health protocols.

YOU MIGHT ALSO LIKE