Paglago ng ekonomiya sa 2021 at 2022, asahan ayon sa NEDA
By Alvin Baltazar - September 9, 2021 , 8:57 am

Inilarawan ng National Economic Development Authority kay Pangulong Duterte ang sigla ng ekonomiya sa 2021 at 2022 bilang “encouraging.”

Sa ginawang presentasyon ni NEDA Chief Karl Chua sa Chief Executive, sinabi nitong kung lumago ang ekonomiya ng apat hanggang limang porsiyento ngayong taon at seven to nine percent sa susunod na taon ay makakabalik ang bansa sa pre-pandemic level sa pagtatapos ng 2022 o  2023.

Iniulat din ni Chua kay Pangulong Duterte ang bilang ng trabahong nalikha sa panahon ng pandemya.

Bago aniya pumasok ang Delta variant ay umabot sa 2.5 milyong hanapbuhay ang nalikha.

Malaki din sabi ni Chua ang naging ranking ng bansa sa  aspeto ng doing business na nai- record ng World Bank.

Mula sa 124th ay naging 95th rank aniya ang puwesto ng Pilipinas na makakatulong sa mga ordinaryong negosyante lalo na sa mga nasa micro at small business.

YOU MIGHT ALSO LIKE
business
Growth target ng bansa, makakamit pa rin ngunit kailangan ng mas agresibong pagpapabakuna
October 15, 2021