Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buwan ng Nobyembre, bahagyang bumagal — PSA
By Rey Ferrer - December 7, 2021 , 11:59 am

Bumaba sa 4.2% ang inflation rate sa bansa sa nakalipas na buwan ng Nobyembre.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ang antas na ito kumpara sa 4.6% na naitala noong Oktubre.

Dahil dito, nasa 4.5% na ang average inflation rate sa unang 11 buwan ngayong taon.

Lagpas pa rin ito sa target na dalawa hanggang apat na porsiyento ng gobyerno.

Ayon sa PSA, ang pagbagal ng antas ng inflation noong Nobyembre ay bunsod ng pagbagal ng paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

YOU MIGHT ALSO LIKE