Palasyo, nabahala sa GDP rate para sa 2nd quarter ng 2020 na mas mababa pa sa inasahan ng mga ekonomista
By Racquel Bayan - August 6, 2020 , 4:34 pm

Nababahala ang Palasyo dahil higit pa sa inasahan ang pagbaba ng gross domestic product (GDP) rate ng Pilipinas, para sa ikalawang quarter ng 2020.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 16.5 percent ang GDP ng bansa para sa second quarter ng taong kasalukuyan.

Gayunpaman, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili namang matatag ang posisyon ng pamahalaan na ibangong muli ang ekonomiya ng bansa sa lalong madaling panahon.

“Our resolve to recover at the soonest possible, however, remains strong.” —Secretary Roque.

Ang pagbaba aniya ng GDP rate, ay dahil sa pag-impose ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Batid naman aniya ng Palasyo ang hirap ng mga Pilipino, at hindi naman Pilipinas lamang ang nakakaranas ng pagbagsak ng ekonomiya kung hindi maging ang ibang mga bansa.

Dahil dito, muling nananawagan ang Palasyo sa Kongreso na madaliin na ang pagpapasa ng Bayanihan II, na makakatulong sa pagpapalakas sa laban ng bansa kontra COVID-19, maging ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE), na tutulong naman sa mga negosyo na maka-recover at makapag-generate ng employment para sa mga Pilipino.

Ang mga economic manager naman aniya, ay puspusan na rin ang pagkilos upang makabangong muli ang bansa.

Pagtitiyak ng Palasyo, tuloy lamang ang pamahalaan sa pagpapatatag sa bansa at sa pagbabalik nito sa daan tungo sa pagunlad.

“We assure everyone that the government will continue working round the clock to strengthen our resilience and bring us back to the path of inclusive growth.” —Secretary Roque.

YOU MIGHT ALSO LIKE