!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pamahalaan, may natitira pang higit sa P7-T budget para sa proyektong Build, Build, Build
By Alvin Baltazar - November 15, 2019 , 1:14 pm

Nasa mahigit pang P7-trilyong piso ang natitirang budget ng pamahalaan para sa Build, Build, Build project nito.

Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon, nasa mga isang trilyon pa lamang ang nagugugol na pondo ng pamahalaan para sa infrastructure projects ng Duterte Administration sa nakalipas na dalawang taon.

Nasa P8.4 na trilyong piso ang kabuuang budget na nakalaan para sa infrastructure program ng pamahalaan.

Sa ngayon ani Dizon ay nasa 35 ang on going na mga projects, 32 ang inaasahang magsimula sa loob ng anim hangang walong buwan, 21 ang nasa advanced stages ng government approval habang nasa 12 rin ang nasa advanced stages ng feasibilities

Kaugnay nito’y inihayag ng BCDA president na magsusumite sila ng updated report sa Senado patungkol sa flagship infrastructure projects ng pamahalaan at makapag-bigay linaw din naman sa isyu ng umanoy underspending.

YOU MIGHT ALSO LIKE