!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Party-list groups: DA magpataw ng safeguard measures hinggil sa taripa 
By Kathleen Jean Forbes - October 22, 2019 , 6:59 am

Muling hinimok ng Ang Magsasaka Party-list ang Department of Agriculture na dapat itaas ang taripa na ipinapataw sa mga imported na bigas para naman magkaroon ng pagkakataon na makahinga ang mga magsasaka.

Ayon kay Ang Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat, ang paglalagay ng safeguard measure patungkol sa taripa ang siyang inaasahan ng mga magsasaka upang makabawi sa kanilang pagkalugi bunsod ng pagpasok ng imported na bigas dahil sa Rice Tariffication Law.

Ngunit nakalulungkot umano na hanggang ngayon ay wala pa ring paliwanag kung bakit hindi natuloy ang pagpapatupad ng safeguard measure na mismong si Agriculture Secretary William Dar pa ang nangako.

Kinalampag naman ni Gabriela Party-list Rep. Arlense Brosas na maglaan na ng supplemental budget para pambili ng mga palay ng mga magsasaka.

Ayon sa kongresista, hindi sapat ang ibibigay na P5,000 cash incentives sa mga mag-sasaka para magkaroon ng disenteng Noche Buena ang mga ito dahil sa baon na baon na sila sa utang dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay.

Kamakailan lamang ay inihain ng naturang grupo ang joing house resolution number 18 na humihimok sa pamahalaan na maglaan ng P15B na supplemental budget para ipambili ng mga palay mula sa local farmers sa halagang P20.

Bukod pa ito sa House Bill No. 476 na naglalayong amyendahan ang Rice Tariffication Law.

YOU MIGHT ALSO LIKE