!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Planong pag-aangkat ng bigas para sa fast food chains, inalmahan ni Sen. Imee Marcos
By Nimfa Asuncion - November 15, 2019 , 5:15 pm

Pinalagan ni Senator Imee Marcos ang plano ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na mag-angkat ng bigas para isuplay sa ilang fast food chain, grocery at maliliit na supermarket sa bansa.

Photo courtesy of Sen. Imee Marcos Fb account

Ayon kay Marcos, hindi dapat unahin ng Department of Trade and industry (DTI) ang bigas mula sa ibang bansa, lalo na at naghihikahos ang mga sarili nating magsasaka.

Giit ng senator, kahit pa ikatwiran ng ahensya na bababa ang presyo ng bigas sa gagawin nilang importasyon ay balewala rin ito, kung ang kabuhayan naman ng ating mga lokal na magsasaka ang babagsak.

Pakiusap ni Marcos, unahin ang kapakanan ng mga kababayan nating magsasaka, na halos wala nang kinikita sa ngayon.

Una nang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na maaaring umabot sa 300 containers ng imported rice ang ilalaan para sa fast food chains at supermarkets sa mga darating na buwan.

YOU MIGHT ALSO LIKE