Quarantine period para sa mga bakunado nang indibidwal, inihihirit na mapababa pa
By Kathleen Jean Forbes - November 19, 2021 , 3:12 pm

Inirekomenda ng pribadong sektor sa Inter-Agency Task Force (IATF) na paikliin pa ang quarantine period para sa mga fully vaccinated individuals.

Sa naging pagdinig ng House Committee on Trade and Industry, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na ang naturang rekomendasyon ay bilang paghahanda sa magsisiuwiang balik-bayan ngayong holiday season.

Kailangan na rin aniya na magpapasok ng dayuhang turista sa bansa.

Tinukoy pa nito na sa Thailand, one day quarantine lang ang kailangan para sa mga foreign tourist na bakunado na.

Ang mungkahi nila, paikliin ng isa hanggang dalawang araw ang quarantine sa isolation hotels para sa mga fully vaccinated individuals.

Sa ngayon kasi nasa limang araw pa rin ang quarantine period para sa mga indibidwal kahit nabakunahan na.

Umaasa naman si Concepcion na magiging paborable ang tugon ng IATF sa kanilang suhestyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE