Seguridad ng mga bangko at ibang financial institutions vs pekeng pera, dapat sapat at mahigpit
By Nimfa Asuncion - January 27, 2022 , 5:03 pm

Giniit ni Senate Committee on Banks Chairperson Senator Grace Poe, na hindi dapat ipasa sa publiko o sa mga depositor ang pasanin sa pagtukoy ng mga counterfeit o pekeng mga pera. 

Sinabi ito ng senator kasunod ng paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko, na inspeksyuning mabuti kung tunay ang mga natatanggap na pera, kahit pa ang mga galing sa automated teller machines (ATMs). 

Ayon kay Poe, nakakabahala ang paalalang ito ng BSP at nagdudulot lang ito ng tanong kung paanong makakapasok sa mga ATM ng mga bangko ang mga bogus money. 

Hindi aniya katanggap-tanggap at wala dapat lugar sa banking system ng bansa, ang mga ATM na naglalabas ng mga pekeng pera. 

Binigyang diin ng mambabatas, na dapat ay tiyakin ng mga bangko na mayroon silang state-of-the-art na depensa kontra sa ano mang security breaches. 

Responsibilidad aniya ng financial institutions, na magbantay ng maigi laban sa ano mang banta at patuloy na i-upgrade ang kanilang mga sistema kasabay ng pagbabago ng panahon, upang mapanatili ang tiwala ng taumbayan sa banking industry. 

YOU MIGHT ALSO LIKE