!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Marcos: Pansamantala munang itigil ang importasyon ng bigas sa bansa
By Nimfa Asuncion - October 18, 2019 , 10:12 pm

Umaapela si Senator Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantala munang itigil ang importasyon ng bigas sa bansa.

Ito aniya ay dahil sa malaking epekto nito sa pangkabuhayan ng ating mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Marcos, malaking dagok sa kita ng mga mahihirap nating magsasaka ang pagbaha ng mga imported na bigas mula nang ipatupad ang Rice Tarrification law.

Sa budget hearing ng Department of Agriculture (DA) nitong nakaraan, nalaman ng senator na sangkatutak na imported rice mula sa ibang mga bansa sa Asya ang nakaimbak ngayon sa mga warehouse ng rice trader.

Kaya naman pakiusap ngayon ni Marcos kay Pangulong Duterte, ihinto muna ang pag aangkat ng bigas at ubusin muna ang mga nakaimbak na bigas hanggang katapusan ng taong ito.

Sa ilalim ng batas, pinapahintulutan na ang importasyon ng bigas pero may kapangyarihan ang Pangulo na ipatigil ito kung nasasagasaan na ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

Sinabi pa ni Marcos, na may mga kartel na nagpupuslit ng tone-toneladang bigas at may ilang rice traders na sangkot sa raket na pagbabayad sa mga warehouse upang iimbak ang mga napuslit na bigas.

YOU MIGHT ALSO LIKE