!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Smuggling, posibleng pinagmulan ng ASF sa PH
By Kathleen Jean Forbes - September 19, 2019 , 4:12 pm

Umaasa si Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat na oras na matapos ang pagtalakay sa 2020 National Budget ay gugulong na ang imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food, patungkol sa pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Isa kasi sa hinihinala nilang pinagmulan ng ASF, ay ang talamak pa ring smuggling.

Ayon kay Cabatbat, hindi naman nagkulang ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa ipinapatupad nitong biosecurity measures kaya’t ang tanging posibleng pinagmulan nito ay ang smuggling.

Bukod dito, umaasa din ang mambabatas na sa tulong ng isasagawang imbestigasyon ay matutukoy kung kailangan ba ng dagdag na pondo pang-ayuda sa mga apektadong hog raisers.

Aniya, may ilang miyembro ang kanilang partylist na hanggang ngayon ay hindi pa nakatatanggap ng P3,000 na tulong mula sa DA.

Nanawagan din ito sa mga hog raisers na sundin ang panuntunan ng DA at makipag-ugnayan agad sa ahensya kung ang kanilang mga alagang baboy ay tinamaan ng ASF.

YOU MIGHT ALSO LIKE