Supply ng manufactured products sa bansa, nananatiling sapat
By Racquel Bayan - May 20, 2022 , 10:17 pm

Walang dapat na ipag-alala ang publiko, dahil nananatiling sapat ang supply ng pagkain sa bansa, partikular ang manufactured products.

Sa briefing ng Laging Handa, tiniyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, na walang problema sa manufactured products ang Pilipinas, kaya’t hindi dapat na bumili ng marami o mag-imbak ng maraming supply, upang hindi maubos ang laman ng shelves sa mga pamilihan.

Pagtitiyak ng opisyal, hindi lamang sa implementasyon ng suggested retail price (SRP) nakatutok ang kanilang hanay, bagkus ay mino-monitor rin ng pamahalaan ang produksyon ng mga pagkaing ito.

Wala aniya silang nakikita na mangyayaring kakapusan.

Matatandaan na una na ring nilinaw ni Usec. Castelo na ang price adjustment na inaprubahan ng gobyerno para sa mga piling pangunahing produkto ay naglalaro lamang sa P0.50 centavos hanggang P1.

YOU MIGHT ALSO LIKE