Suspensyon ng accreditation ng Berjaya Makati Hotel, binawasan ng DOT
By Hajji Kaamiño - January 27, 2022 , 1:01 pm

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Makati na ibinaba sa dalawang buwan ang suspensyon ng accreditation ng Berjaya Makati Hotel na isinangkot sa quarantine protocol breach ng isang returning Filipino.

Ayon kay Makati City Spokesperson Atty. Don Camina, natanggap nila ang liham mula sa Department of Tourism (DOT)-NCR na nagsasaad na pinagbabayad din ang Berjaya ng multang ₱13,200.

Sa naturang liham ay pinagtibay ng regional office ang desisyon na may pananagutan ang hotel sa paglabag ni Gwyneth Chua sa health protocols partikular sa quarantine.

Ni-revoke ang permit ng Berjaya bilang isang multiple-use hotel at nagpataw ng multang katumbas ng dobleng halaga ng pinakamahal na kwarto.

Nag-ugat ang sanction nang hindi sundin ni Chua ang quarantine protocol pagbalik nito sa Pilipinas buhat sa Amerika at sa halip ay nag-party pa.

YOU MIGHT ALSO LIKE