Tourism bubble sa pagitan ng Pilipinas at ilang Asian countries, inaaral ng DOT
By Kathleen Jean Forbes - November 18, 2021 , 4:46 pm

Nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Tourism (DOT) sa ilang Asian countries para makabuo ng isang tourism bubble.

Pagbabahagi ni DOT Assistant Secretary Chris Morales sa House Committee on Trade and Industry na nakikipag-negosasyon ngayon ang ahensya sa Japan, Korea, at Vietnam para sa pagbuo ng isang travel bubble.

Sa ilalim nito magkakaroon ng open destination sa pagitan ng Pilipinas at ng naturang mga bansa para sa foreign tourists.

Batid aniya ng ahensya na isa sa mga hinihintay ngayon ay ang pagbubukas ng Pilipinas sa mga dayuhang turista.

Sa ngayon naman, mayroong 17 destinations ang binuksan para sa local tourists. Kabilang dito ang Boracay, Siargao, Bohol, Coron at El Nido sa Palawan, Cebu, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, at La Union.

YOU MIGHT ALSO LIKE