Unang batch ng tren para sa MRT-7, darating na sa usunod na linggo ayon sa SMC
By Merry Bastasa - September 2, 2021 , 5:10 pm

Inanunsyo ng San Miguel Corporation na inaasahan nitong darating na sa susunod na linggo ang unang batch ng tren na magiging bahagi ng MRT-7.

Ayon sa SMC, ang bagong bagon na binili sa Hyundai ROTEM ay pasado na sa inspeksyon at factory acceptance testing ng Korea Railroad Corporation na tumatayong adviser ng SMC.

Bawat trainset ay may habang 65.45 meters o halos kasing haba ng isang Olympic-size na swimming pool.

Itinuturing naman ni SMC Pres Ramon Ang na isang welcome development ang maagang pagdating ng train set na makatutulong lalo na ngayong nasa 57% na rin ang completion sa foundational works ng MRT-7.

Posible naman umano dumating sa mga susunod ding buwan ang iba pang train set na binili ng kumpanya.

Inisyal na target ng SMC na maikasa ang unang test run sa MRT7 sa December 2022.

YOU MIGHT ALSO LIKE
business
Growth target ng bansa, makakamit pa rin ngunit kailangan ng mas agresibong pagpapabakuna
October 15, 2021