!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Utos ng DILG na alisin ang obstruction sa mga kalsada, natugunan ng Marikina
By Rey Ferrer - August 15, 2019 , 9:24 am

Idineklara na ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na isang daang porsiyento nang malinis ang mga kalsada at bangketa sa lungsod ng Marikina.

Ito’y bilang tugon sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na alisin ang mga obstruction sa daan sa loob ng 60 araw alinsunod naman sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa alkalde, hindi na sila nahirapan sa clearing operations at bukod tanging minementina na lamang nila ang kaayusan sa lungsod dahil matagal na panahon ng naumpisahan ang paglilinis sa kapaligiran bago pa man naglabas ng kautusan ang Pangulo.

Maayos na rin ang mga lugar para sa mga sidewalk vendor maliban sa mga mangilan-ngilan na galing sa labas ng Marikina na nagsusubok na magtinda sa ipinagbabawal na lugar.

May plano pa ang city government na magtayo ng bagong wet market sa Barangay Nangka 2, Bagong Sibol, na pinondohan ng P11 million pesos.

Sa lugar na ito ilalagay ang iba pang ambulant vendors para wala na silang dahilan na magtitinda sa mga kalye.

Bukod pa ito sa isa pang wet market na itatayo din sa Malanday Marikina.

Pagmamalaki pa ng alkalde, kultura na ng mga taga-Marikina ang kalinisan ng kapaligiran.

Samantala, pinapayagan na rin ang pangingisda ng publiko sa malinis na Marikina River kung saan may mga isda ng nahuhuli tulad ng cream dory, tilapia at iba pa.

YOU MIGHT ALSO LIKE