2 miyembro ng BIFF, sumuko sa PNP sa Maguindanao
By Leo Sarne - February 2, 2021 , 5:16 pm

Dalawang miyembro ng local terrorist group Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang boluntaryong sumuko sa pulisya sa Maguindanao.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang mga sumuko, na sina alyas Dindin at alyas Monta, na dating mga tauhan ni Commander Gantang Sanoy alyas Commander Cosme ng Karialan Faction ng BIFF.

Kasabay nilang isinuko ang isang caliber. 50 Barrett Sniper Rifle sa Regional Intelligence Unit-15 Headquarters, sa Camp Pendatun, Parang, Maguindanao.

Sinabi ng Chief PNP, na laging bukas ang pintuan ng pamahalaan para sa sino mang kalaban ng estado na nais na magbaba ng armas at magbagong buhay.

YOU MIGHT ALSO LIKE