!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
3 BuCor official pina-contempt ng Senado dahil sa pagsisinungaling
By Nimfa Asuncion - September 12, 2019 , 7:13 pm

Ipinag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee na pansamantalang ikulong sa Senado ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng komite kanina.

Sa pamamagitan ng mosyon ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, ipina-contempt sina NBP Hospital Technical Chief Inspector Dr. Ursicio Cenas, BuCor legal Chief Fredric Santos at BuCor Documents and Records Chief Ramoncito Roque.

Hindi kasi naniniwala ang mga senador sa pagtanggi ng mga ito sa mga alegasyon sa kanila. Si Cenas sa pagtanggap ng pera kapalit ng hospital pass, si Roque sa pagtanggap ng pera kapalit ng kalayaan ng mga preso at si Santos sa pagkakasangkot nito sa GCTA for sale.

ICYMI | BuCor Legal Division Chief Atty. Fredrick Santos, documents division chief Staff Sergeant Ramoncito Roque at NBP Hospital Medical officer Ursicio Cenas, pina-contempt ng Senado. | via Nimfa Asuncion www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, September 12, 2019

Ayon kay Committee Chair Richard Gordon, mananatiling nakadetine sa loob ng senado ang tatlo hangga’t makapagbigay sila ng katanggap-tanggap na paliwanag kung bakit sila dapat palayain.

Sa susunod na linggo, September 19, Huwebes, muling ipagpapatuloy ng komite ang pagdinig tungkol sa implementasyon ng GCTA law at iba pang anomalya sa BuCor at Bilibid.

Sa Lunes, inaasahang maglalabas na ang komite ng preliminary report at recommendation para sa isyu.

Kabilang na dito ang rekomendasyon kung sinu-sino ang mga dapat kasuhan at ang posibleng solusyon sa mga problema sa bilibid.

YOU MIGHT ALSO LIKE