35 bagong kaso ng Delta variant, natukoy ng DOH base sa pinakahuling genome sequencing
By Julius Gonzales - January 27, 2022 , 5:30 pm

Patuloy pa ring nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa gitna ito ng pamamayagpag ng Omicron variant sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Matatandaang ang Delta variant ang nagdulot ng naunang pagsirit ng mga kaso ng nakalipas na taon na nag-resulta sa mas seryosong impeksyon, pagkaka-ospital ng mga nahawaan at mataas na demand sa oxygen.

Sa tala ng DOH, may 35 bagong kaso ng Delta ang natukoy sa pinakahuling genome sequencing.

Sa naturang datos ay 26 ang local cases, habang 9 ang Returning Overseas Filipino Workers (ROF) kung saan 30 na ang mga gumaling, isa ang namatay at 4 ang patuloy pang inaaalam ang kondisyon.

Sa kabuuan, mayroon ng 8,647 na nakumpirmang tinamaan ng Delta variant ng COVID-19. 

YOU MIGHT ALSO LIKE