!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Industriya ng kapeng barako sa Batangas, nanganganib na bumagsak
By Rey Ferrer - January 15, 2020 , 5:18 pm

Natabunan na ng abo ng Bulkang Taal ang may 752 ektarya ng agricultural lands sa Batangas.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) , 99 na porsiyento ng lupain ay taniman ng kape.

Base sa pagtaya ng DA sa Region 4-A, aabot sa P73. 96 milyon ng pananim ng kape ang nasira.

Sa kabuuan, mahigit na sa P577 milyon ang napinsala sa agriculture at livestock sector.

Pero pagtiyak ng DA, may nakahanda na rin silang pampalit na mga pananim tulad ng kape, cacao at iba pang high value crops, at handang ipamahagi sa mga magsasaka.

YOU MIGHT ALSO LIKE