!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DA, kampante na kayang lampasan ang .04% na paglago nung huling Q4 ng 2019 ngayong 2020 sa sektor ng agrikultura
By Rey Ferrer - January 23, 2020 , 11:40 am

Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na mas malalampasan pa nila ang .04 percent na paglago sa sektor ng agrikultura sa ikaapat na quarter ng 2019.

Ayon kay Secretary Dar, kumpiyansa siya na may positibong resulta na ang Rice Competitiveness Enhancement Fund sa 1st semester ng 2020.

Maliban dito, pinatitibay nila ang mga pundasyong nabuo sa pakikipag-partner sa
local government units, private sector, mga farmers’ at fishers’ groups.

Sa Kabila ng pagsalanta ng African Swine Fever at epekto ng mga nagdaang bagyo, tumaas pa rin ng .04 percent ang sektor ng agrikultura sa ikaapat na hati ng 2019.

Sa report ng Philippine Statistics Authority,
naitala ang one percent na paglago sa mga pananim, 5.4 percent sa poultry, 3.4 percent sa pangisdaan at 8.5 percent sa livestock.

YOU MIGHT ALSO LIKE