!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
7 opisyal na sinasabing miyembro ng ‘mafia’ sa Philhealth, pinangalanan
By Nimfa Asuncion - August 15, 2019 , 9:55 am

Binunyag ng isang dating opisyal ng PhilHealth ang mga pangalan ng mga opisyal ng ahensya na sinasabing miyembro ng ‘mafia’ sa loob.

Ayon kay Dr. Roberto Salvador, dating opisyal ng PhilHealth, pitong mataas na opisyal ng ahensya ang miyembro ng mafia.

Kabilang sa mga napangalanan ay sina Regional Vice Presidents Paolo Johann Perez ng Region IV-B, Khaliquzzaman Macabato ng ARMM,  Dennis Adre ng Region 12, Masidling Alonto Jr. ng Region 10, William Chavez ng Region 7, gayundin sina Atty. Jelbert Galicto na legal officer ng CARAGA at Atty. Valerie Anne Hollero na assistant corporate secretary ng ahensya.

Paglilinaw ni Salvador, ang pagkakasama ng mga ito sa tinatawag na mafia ay hindi nangangahulugang sila ay kriminal o sangkot sa extortion.

Ang pakahulugan aniya nila sa ‘mafia’ ay ang mga taong malakas ang impluwensya at kayang gawin ang kahit na ano sa ahensya, gaya ng pagtanggi sa rotation at pagpapatanggal sa mga umuupong kalihim at pinuno ng ahensya.

Giit ni Salvador, alam ng lahat ng taga-Philhealth ang tungkol dito pero natatakot lang silang magsalita.

Naipaabot na rin aniya nila ang impormasyon na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at nangako aniya itong aaksyunan ang isyu.

YOU MIGHT ALSO LIKE