!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Alcohol Tax Reform Bill, sumalang na sa interpellation sa plenaryo
By Kathleen Forbes - August 15, 2019 , 9:39 am

Sumalang na sa interpellation ang House Bill 10-26 o ang Alcohol Tax Reform Bill na layong taasan ang buwis sa inuming nakalalasing. Ito ay matapos lumusot sa committee level ang panukala.

Sina Albay Representative Joey Salceda, Nueva Ecija Representative Estrellita Suansing at AAMBIS-OWA Partylist Representative Sharon Garin ang nagsilbing sponsor ng panukala sa plenaryo.

Pinatitiyak naman ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, na sana’y hindi malustay at maging bikitma ng korapsyon ang revenue o buwis na kikitain ng pamahalaan, lalo’t ang kikitain sa Alcohol Tax Reform bill ay gagamitin para punan ang funding gap sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Base sa House Bill 1026, itataas sa 6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks, kumpara sa kung ano ang ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10-351 o ang Excise Tax reform Law on Tobacco and Alcohol kung saan ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20 percent.

Kapag maging ganap na batas, magkakaroon ng ad valorem rate na 22 percent kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40, at P45.

Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.

Itinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.

Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.

YOU MIGHT ALSO LIKE