Anim na lugar sa bansa, ia-akyat sa Alert Level 3 simula January 28 hanggang February 15, 2022
By Racquel Bayan - January 27, 2022 , 7:37 pm

Ia-akyat sa Alert Level 3 ang Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi- Tawi at Sulu simula bukas, January 28, 2022.

“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Thursday, January 27, 2022, the escalation of six (6) areas to Alert Level 3,” ani Secretary Nograles.

Ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong gabi, base sa pinakahuling pulong ng IATF.

Ayon sa kalihim, iiral ang Alert Level 3 sa mga nabanggit na lugar hanggang February 15, 2022.

“The said escalation shall take effect on Friday, January 28, 2022 until February 15, 2022,” ani Secretary Nograles.

Matatandaan na sa isang panayam, una nang sinabi ng kalihim na posibleng sa weekend naman inanunsyo ang iiral na alert level sa Metro Manila, para sa unang dalawang linggo ng Pebrero.

YOU MIGHT ALSO LIKE