Army Chief, Matteo Guidicelli, namahagi ng tulong sa Taal evacuues
By Leo Sarne - January 15, 2020 , 11:25 am
Photo by Philippine Army

Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Gilbert Gapay ang Philippine Army Reservists sa pamamahagi ng tulong sa mga Taal evacuee, sa Sto. Tomas Batangas, kahapon.

Kasama ni Lt. Gen. Gapay si 2nd Lt. Matteo Guidicelli (Res) at iba pang mga reservists mula sa 401st Ready Reserve Infantry Battalion, na namahagi ng relief goods sa 200 pamilya na tumutuloy sa Poblacion 3, Batangas City Evacuation Center.

Ang mga relief good ay mula sa mga pribadong indibidwal at mga business establishment na dinala sa Batangas sa pamamagitan ng mga Philippine Army trucks at personnel.

Nagpasalamat si Lt. Guidicelli sa kanyang mga kaibigan at kakilala, na nagbigay ng inisyal na donasyong ipinamahagi kahapon at nanawagan sa iba pang may mabubuting loob na tumulong din sa mga bikitima ng pagsabog ng Taal volcano.

Sinabi naman ni Gapay, na committed ang Philippine Army na pagsilbihan ang lahat ng mga nangangailangan ng tulong sa nangyaring kalamidad.

Ang mga Army reservist, ay kabilang sa mga naging first responders mula nang nagsimula ang pag-aalburoto ng Taal volcano noong Linggo.

YOU MIGHT ALSO LIKE