Army Reserve officers na tumatakbo sa halalan, inalis na sa pwesto
By Leo Sarne - December 7, 2021 , 1:58 pm

Ni-relieve ng Philippine Army Reserve Command (ARESCOM) ang kanilang mga Reserve officers na tumatakbo sa halalan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at concurrent Commander ng Philippine Army, Lieutenant General Andres Centino, ito ay para mapanatili ang pagiging “non-partisan” ng militar sa darating na halalan.

Una nang nagbitiw sa kanyang posisyon bilang hepe ng Communications panel ng Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board (MSAB) si Reservist Captain Robin Padilla, na tumatakbo sa pagka-senador.

Kasama din sa mga na-relieve sina: Senatorial aspirant Brigadier General Herbert Bautista (Res); re-electionist Representative Colonel Isdiro Ungab, Congressional candidate Lieutenant Colonel Eugene Balitang; Gubernatorial candidate Lieutenant Colonel Jayvee Tyron Uy; at Gubernatorial reelectionist Lieutenant Colonel Rhodora Cadiao.

Mahigpit na bilin ni Lieutenant General Centino sa lahat ng tauhan ng AFP na iwasan ang pakikilahok sa partisan politics, panatilihin ang propesyonalismo sa pagganap ng kanilang tungkulin, at iwasan ang pag-post sa social media ng mga larawan o simbolo na may kulay politika.

Tiniyak naman ni Lieutenant General Centino sa publiko na matapat na gagampanan ng AFP ang kanilang mandato para masiguro ang malinis at maayos na halalan sa susunod na taon.

YOU MIGHT ALSO LIKE