Bentahan ng panalo sa 2022 Elections, isang scam — COMELEC
By Lorenz Francis Tanjoco - December 7, 2021 , 1:12 pm

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga politiko na huwag magpapaloko sa mga con artist na diumano’y kayang dayain ang resulta ng eleksyon.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nakatanggap siya ng mga reports na may mga taong lumalapit sa mga politiko at sinasabing nabibili ang panalo. 

Hindi totoo, ayon kay Jimenez, ang mga inaalok ng mga con artist at isang klase aniya ito ng scam simula pa noong 2010.

Aniya modus ng mga ito na lapitan ang mga politiko at magkalabang kandidato at ialok ang nasabing scam, at kung sino man ang manalo ay mananalo habang ang natalo naman ay mkakakuha ng refund.

Binigyang-diin ng opisyal na imposible ito. Kaya paalala nito sa lahat na hindi posibleng mabili ang panalo sa 2022 elections.

YOU MIGHT ALSO LIKE