!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Big time at magpinsang drug dealer sa Pasig City, patay sa buy bust operation
By Rey Ferrer - August 22, 2019 , 9:18 am

Nauwi sa madugong engkwentro ang dapat ay buy bust operation ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Pasig City kaninang madaling araw.

Napatay ang dalawang magpinsan at big time drug dealer na sina Jalal Salamoden at Sampiano Rason matapos makipagbarilan sa pulisya sa isang gasulinahan sa Felix Ave., corner Kabayanihan St., Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Ayon kay Police Major General Guillermo Eleazar, mga miyembro ng sindikato ng droga ang dalawa na nabuwag na noong 2006 sa kontrobersyal na shabu tiangge sa Pasig.

Base sa imbestigasyon na nakipagtransaksyon sina Salamudin at Rason sa mga pulis na nagpanggap na bibili ng P450,000 na halaga ng iligal na droga.

Pero bigla na lamang tumakbo at namaril ang isa sa mga suspek nang makahalata na buy bust operation ang transaksyon.

Bukod sa mga boodle money at halos isang kilo ng shabu, nakuha rin sa kanila ang isang caliber.45 pistol, isang caliber .9mm pistol, mga magazine, mga bala maging ang gamit nilang motorsiklo.

Paliwanag ni Gen. Eleazar, nakapag-ooperate pa rin ang lider ng shabu tiangge na si Amin Imam Buratong kahit nakakulong na sa National Bilibid Prison gamit ang kanyang pinsan na si Acsaimin Buratong na namumuno ngayon sa armadong drugs group.

YOU MIGHT ALSO LIKE