Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City, umabot na sa 256
By Jesson Tamondong - May 26, 2020 , 12:55 am

Pumalo na sa 256 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Valenzuela, ito’y ayon sa pinakahuling tala ng Valenzuela LGU kagabi.

Sa 256 confirmed cases, 178 dito ang kasalukuyan pa ring ginagamot, 66 ang gumaling na, habang 12 naman ang namatay.

Paliwanag naman ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ay dahil sa mas pinaigting na pag-test ng mga maaring may mga COVID-19 gaya ng mga returning OFWs, mga frontliners at iba pa.

Agresibo rin umano ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mass testing at contact tracing

Kailangan umanong isagawa ang mass testing upang agad na maquarantine ang mga may COVID-19 bago ang isailalim ang lungsod sa general community quarantine period upang hindi na kumalat ang sakit.

YOU MIGHT ALSO LIKE