Breakdown ng 2021 proposed national budget, isinasapinal na ng DBM
By Racquel Bayan - August 6, 2020 , 7:17 pm

Isinasapinal na ng Department of Budget and Management (DBM) ang breakdown ng proposed national budget para sa 2021.

Matatandaan na P4.506 trillion ang budget na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na taon.

Base sa impormasyon mula sa DBM, pinakamalaking bulto pa rin ng budget ay ilalaan sa social services sector, kung saan prayoridad ang mga health-related programs tulad ng implementasyon ng Universal Health Care Act, pagbili ng COVID-19 vaccines, PPEs at iba pa.

Kabilang rin dito ang mga education-related programs. Ang implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education at ang Basic Education Learning Continuity Plan progam, lalo na ngayong nasa gitna ng health crisis ang Pilipinas.

Ang economic services sector ay nananatili ring prayoridad sa budget, para sa pagpapatuloy na pagi-invest ng pamahalaan sa public infrastructure. Kabilang na rin dito ang pagsuporta sa Information and Communications Technology ng bansa para sa pagpapaigting ng WIFI, broadband infrastructures at development ng online systems tungo sa new normal.

Ngayong nasa gitna ng pandemic ang bansa, ang proposed 2021 budget ay bibigyang prayoridad rin ang mga government programs para sa pagpapaigting ng productivity ng agrikultura, fishery sector, recovery MSMEs at local industry.

Inihahanda na rin ng DBM ang mga kinakailangang dokumento na isu-sumite sa Kongreso, bago ang Constitutional deadline sa August 26.

YOU MIGHT ALSO LIKE