Chinese warships, limang beses na muling pumasok sa teritoryo ng bansa ng walang paalam
By Leo Sarne - August 15, 2019 , 9:20 am

Limang ulit na namang pumasok sa teritoryo ng bansa ang mga Chinese warships ng walang paalam.

Ito’y matapos unang ireklamo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Chinese ambassador ang unang apat na beses na pagdaan ng mga Chinese warships sa Sibutu Strait mula Pebrero.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander Lt. General Cirilito Sobejana, na-monitor na naman nila ang pagdaan sa Sibuti strait ng mga Chinese warships ng dalawang beses noong Hulyo at tatlong beses nitong Agosto.

Sinabi ni Sobejana na na-monitor ang mga ito sa pamamagitan ng mga aerial at naval patrols. 

 Bagamat armado aniya ang mga naturang barko ng China, hindi naman aniya “hostile” ang mga ito, at umalis din agad nang mamataan nila ang mga local patrols.

Pero hindi aniya maituturing na innocent passage ang kanilang pagdaan dahil hindi dere-deretso ang kanilang biyahe sa sea lanes at hindi rin nakipag-communicate sa kanila.

Nagpadala na aniya sila ng pormal na report sa Department of Defense para sa kaukulang aksyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE