!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Coast Guard na tumulong sa pagligtas sa mga pasahero ng lumubog na MV Siargao Princess sa Cebu, pinarangalan, prinomote
By Jesson Tamondong - November 22, 2019 , 5:06 pm

Binigyan ng parangal at promosyon ng Philippine Coast Guard (PCG) si PCG Petty Officer 2nd class o PO2 Ralph Barajan matapos magpamalas ng kabayanihan nang lumubog ang MV Siargao Princess sa Cebu.

Photo courtesy of PNA

Matatandaang lulan si Barajan ng MV Siargao Princess at 62 pang pasahero ng lumubog ito sa karagatang sakop ng Sibunga Cebu, noong ika-pito ng Nobyembre.

Tumulong si Barajan sa mga crew ng barko na isalba ang buhay ng ibang mga pasahero hanggang dumating ang mga rescue vessel ng PCG.

Mismong si Chief of Coast Guard Staff, Commodore William Isaga, ay humanga sa kabayanihan ni Barajan kaya binigyan nila ito ng pagkilala sa ginanap na seremonya, sa ika-52 anibersaryo ng PCG sa Philippinine Coast Guard Visayas Station.

Inanunsyo ng pamunuan ng Philppine Coast Guard ang pagiging isang full-fledged petty officer 2nd class ni Barajan, na maaaring magresulta sa kanyang pagiging ganap na din commissioned officer sa pamunuan.

Bukod sa promosyon, ginawaran din ng medal of distinguished conduct si Barajan, ito ang ikalawang pinakamataas na parangal na pinagkakaloob sa mga miyembro ng PCG.

YOU MIGHT ALSO LIKE