DENR: Kontribusyon ng mining sector sa bansa tinukoy bilang may malaking ambag sa pagrekober ng ekonomiya
By EJ Lazaro - May 21, 2022 , 4:50 pm

Tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang potensiyal na kontribusyon ng mining sector para sa pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay DENR Acting Secretary Jim Sapulna, ang mining industry ay nakatulong sa pagpapalakas ng gross domestic product (GDP) ng bansa kahit sa panahon ng pandemya.

Sa tala ng ahensya, noong 2020 nakaambag ang sektor ng P102.3 bilyon at higit P22 bilyon naman noong unang quarter ng 2021.

Binigyang-diin din ng ahensya na kung magpapatuloy ang responsable at sustainable na paggamit ng mga resources, maaaring umabot sa 100% ang kontribusyon ng mining industry sa GDP at maaring humigit pa.

Samantala, upang maabot ng DENR ang pagiging globally competitive ng mineral sector kinakailangan ang pagtatayo ng mga mineral processing plants sa buong bansa kaya naman nakikipag-ugnayan na ang DENR-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) sa Senate at House of Representatives para maisulong ang batas para sa pagpapatayo ng mga ito.

YOU MIGHT ALSO LIKE