DepEd Sec. Briones, ipinaliwanag ang 3.5M di nagamit na libro para sa mga mag-aaral
By Nimfa Asuncion - August 15, 2019 , 10:37 am

Nagpaliwanag si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa ulat na higit tatlong milyong mga libro ang nakaimbak lang sa kanilang mga warehouse.

Sa organizational meeting ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture kahapon, sinabi ni Briones na ang napaulat na 3.5 million na kopya ng textbook ay buffer stock nila sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad.

Paliwanag ng kalihim, may panuntunan sila sa ahensya na seven percent ng mga textbook ay dapat isantabi bilang buffer stock upang may maipalit sa mga librong masisira, mawawala at allowance na rin para sa posibleng pagtaas ng enrollment.

YOU MIGHT ALSO LIKE