!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DOH, pinalalakas ang info dissemination sa mga sakit na makukuha mula sa binubugang abo ng Taal
By Alvin Baltazar - January 15, 2020 , 1:12 pm

Bukod sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal, sabay din ginagawa ng Department of Health (DOH) ang pagpapalakas ng information dissemination na may kinalaman sa peligrong idinudulot ng ashfall.

Sa press briefing na isinagawa sa Malacañang, sinabi ni DOH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, na nagdudulot kasi ng pinsala ang abong ibinubuga ng bulkan sa iba’t ibang organs ng ating katawan.

Bukod aniya sa conjunctivitis, sinabi ni Laxamana, na pinupuntirya din ng ashfall ang baga kaya nauuwi sa bronchitis at iba pang respiratory ailment ang nakakalanghap nito.

Nagdudulot din ani Laxamana ng skin irritation, gaya ng pangangati at allergy, ang abong inilalabas ng bulkan kaya’t nakahanda naman ang kanilang topical antihistamines na applicable din aniya para sa mga may hika, bukod pa sa Salbutamol na kanilang ipinamamahagi sa mga evacuation center.

Nakapuwesto na aniya ang kanilang health advisories sa mga evacuation center, na duon ay mababasa ang ang preventive measures sakalit dapuan ng mga nabanggit na sakit na may kauganyan sa ibinbugang abo ng Taal volcano.

YOU MIGHT ALSO LIKE