Eksperto, naniniwalang di pa dapat mag-panic ang publiko hinggil sa bagong variant ng COVID
By Lorenz Francis Tanjoco - December 7, 2021 , 2:16 pm

Nagpaalala si OCTA Research fellow, Fr. Nicanor Austriaco Jr. sa publiko na maging maingat sa pagharap sa banta ng Omicron variant ng COVID-19, subalit huwag umanong mataranta, ayon sa kanyang mensahe sa “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.

Base kay Austriaco, isang paring Katoliko na molecular biologist din, ang kasalukuyang bilang sa sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas ay “some of the best numbers in the world.”

Aniya, kailangan lang maging maingat pero hindi kailangang mag-panic lalo na at magpa-Pasko.

Sa kabila nito, sinabi niya na dapat umanong maghanda ang bansa sa pagpapagawa ng mga ospital at pagdaragdag sa health care worker staffing capacity, at iginiit na ang pagtaas sa mga kaso ng Alpha at Delta variants ay nagpapakita ng kakulangan sa mga nurse, lalo na sa Metro Manila.

YOU MIGHT ALSO LIKE